The Journey Begins

KORAPSYON SA GOBYERNO Ni: Andrea Margaret B.

Resulta ng larawan para sa korapsyon sa gobyerno

Magandang umaga sa ating lahat! Narito ako upang ilahad ang aking maikling talumpati na pinamamagatang korapsyon sa gobyerno.

KAPAG nababanggit na ang salitang korapsyon, gobyerno kaagad ang nasa isip. Hindi matatanggal sa pag-iisip ng lahat, na kapag korapsyon na ang pinag-uusapan, siguradong gobyerno kaagad ang salarin. At hindi masisisi ang tao na mag-isip nang ganun, dahil masyadong malalalim na ang mga ugat nito sa burokrasya ng gobyerno. Kahit anong linis pang gawin ng administrasyon ni President Aquino, hindi mawawala lahat. Pero naniniwala ako na malaki ang mababawas sa larangan ng korapsyon sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Pero may korapsyon din sa pribadong sektor, na halos mapapantayan pa kung hindi lalampasan ang korapsyon sa gobyerno. Dahil sa pribadong sektor, wala kang matatakbuhang ahensiya para isumbong ang katiwaliang nagaganap.

Masyado na bang malalalim ang mga ugat ng korapsyon sa ating kultura, na pati sa pribadong sektor umiiral ang ganitong kaugalian? Kailan magiging tunay na propesyonal ang Pilipino, na gabay ng maayos at tapat na paghahanap-buhay? Hindi malalagay ang Pilipinas sa ulo ng listahan ng mga pinaka-corrupt na bansa kung magiging propesyonal lang ang kilos at trabaho ng lahat, maging gobyerno o pribado.

Muli isang magandang bati sainyong lahat!

Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton
post

Leave a comment